Monday, June 10, 2013

20 New Pinoy Ideas If You're Going on a Date

(Warning: Written in Tagalog at Bawal to sa Maaarte):

Grabbed from http://www.huffingtonpost.com/mary-hall/sex-dating-the-recession_b_230040.html

1) Subukan niyo maglakad ng patalikod the whole time.
2) Magpapicture kayo sa lahat ng pupuntahan niyo ng naka-plank... o kaya gwiyomi look.
3) Subukan kumain ng spaghetti gamit ang ilong.
4) Pumunta sa lugar kung saan ka lumaki at ipakilala sa matandang magtataho o matandang tindera ng sari-sari na madalas pinagkakautangan niyo noon. P.S. Kung may pagkakautang pa sa tindahan na yon, bayaran mo na kapal ng mukha mo! Pag walang pera, wag ka na dumaan sa tindahan, baka mangutang ka pa ulet.
5) Magcarb running, bumili kayo tig-isang dosenang JCo donuts (oo kelangan JCo) at kainin habang tumatakbo ng 10KM run.
6) Kung ayaw ng Carb-running, mag-Beer running or mag-Vodka running. Ubusin ang isang case ng beer o isang bote ng vodka habang tumatakbo ng 10KM run. (So help you God)
7) Mag-costume, sabay gumawa kayo ng away sa daan. Yun tipong vivideohin kayo.
8) O gumawa na lang kayo ng away, sa loob ng mall, tipong may hilahan at sigawan pa. Tas kapag may mga taong nag-uusisa na, bigla kayong tumino at magtawanan.
9) Magpanggap kayong magkaibigan at hindi lovers. Ibugaw ang isa't isa sa pinakapanget na nilalang na makikita niyo sa mall. Thing is, wag bastusin... find a way make them happy or make their day instead. :)
10) Pumunta sa home for the aged. Yun babae, maghanap ng lakas ng loob makipagflirt kay lolo. Yun tipong feeling niya pogi pa rin sya. Yun lalake, haranahin si lola. Yun feeling ang ganda-ganda niya! Pasayahin naman sila. Hindi lang yun puro kayo, makasarili!

11) Magpunta sa fan signs. Tas kahit di niyo type, magpapicture lang. Pag pinabibili kayo ng CD, sabihin niyo, "Sorry I could only pay thru check. Pwede next time nalang?" O kaya, "Pauwi na kasi kami sa probinsya. Pleaaaaase. Ipapakita lang namin sa mga kaibigan namin don na mabait si idol para mas malaki ang suporta ni idol!!!"
12) Speak Chinese to pure Filipino people as if you two know what you're talking about. Pretend you know how to speak Chinese to the point maiimpress sa inyo ang mga nakakarinig.
13) Punta kayo Tom's World. Magsunog kayo ng pera sa pamamagitan ng paghuhulog ng piso para makakuha ng Teddy bear.
14) Date kayo sa bubong. Watch the moon and the stars. Pero bago yon, para impressive ka naman, pag-aralan mo ang constellations. Better yet, baka mapahiya ka pa, magdala ka na lang ng encyclopedia. Mind you ha, encyclopedia. Pag internet madidistract kayo baka mag FB na lang kayo the whole time. It's about you and her.
15) Punta kayo Mind Museum sa The Fort.
16) Palakasan kayo kumain. Tig-isang manok!
17) Palakasan uminom. Ng beer! Tas ng hard drinks naman!
18) Palakasan umutot. (eto joke lang)
19) Pumunta sa waterfalls, tas tumalon kayo sa falls magkasabay. Siguraduhin niyong hindi mabato sa baba baka yun na ang una at huli ninyong date.
20) Subukan ninyong makipagdate sa isa't isa na 3 araw ng hindi naliligo. Pag natanggap niyo ang isa't-isa yaaan. Trulab yan. :glee:

Bottomline, it's not about how much you've spent, but how muchtime and laughs you've spent with each other :) Aruuu!!!~

L♥ve, L♥ve, Just L♥ve! ^^


Thanks to http://skinpoetryphotography.wordpress.com/tag/children/
 

No comments:

Post a Comment